Overdeduction ng GSIS premium sa mga guro, wawakasan na

SINAKSIHAN ng maraming guro ang pirmahan ng Memorandum of Agreement O MOA sa pagitan ng Government Service Insurance System o GSIS at mga kagawaran ng edukasyon at badyet sa Rizal Hall ng Malakanyang noong isang araw.

Ayon sa mga guro, ito na ang tatapos sa overdeduction sa GSIS contribution ng mga guro at kahirapan ng pagkuha ng mga benepisyo dahil sa hindi pagbabayad ng DepEd contributions sa loob ng maraming taon.

Sa pangunguna ng Alliance of Concerned Teachers, nagtungo ang mga guro sa Malakanyang upang masaksihan ang pirmahan na sinaksihan ni Pangulong Benigno Aquino at ACT Teachers Party congressman Antonio Tinio.

Dalawang dekadang ipinaglaban ng mga guro na huwag silang parusahan sa kapabayaan ng mga ahensiya ng gubyerno, ayon kay Tinio.

Dagdag ni Tinio, ipagpapatuloy ng ACT ang pagbabantay sa mga naturang ahensiya upang tuluyan nang maibasura ang mga anti-gurong mga patakaran ng GSIS.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply