P.1M reward sa makapagtuturo sa kinidnap na sanggol sa ospital

NAGLAAN ng P100,000 pabuya ang mga opisyal ng ospital sa makapagtuturo ng kinaroroonan ng sanggol na dinukot sa kwarto ng ospital sa lungsod ng Quezon.

Ayon sa direktor ng Sta. Teresita Hospital na si Dr. Melchor Cruz, naglaan sila ng halaga para sa mabilis na ikare-resolba ng kaso ng kidnapping na nangyari sa loob ng kanilang ospital kung saan isang bagong silang na sanggol ang kinuha sa tabi ng kanyang ina .

Kinilala ang ina ng sanggol na si Ma. Cecilia de los Santos, na nagsabing isang babaeng nakasuot ng doktor ang pumasok sa kanyang kwarto sa ospital at kinuha ang kanyng sanggol para umano suriin noong Setyembre 4 , subalit hindi na nagbalik.

Isa sa mga itinuturing na suspek ang katulong ni de los Santos na inimbita ng mga pulis ,subalit ng sumailalim sa polygraph test sa QCPD ay walang palatandaan na ito ay nagsisinungaling.

Para sa anumang impormasyon tungkol sa sanggol na nawawala,nagbigay ng mga numerong maaaring tawagan ang QCPD, 731-8341 at 712-57-57

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply