P.75-M igat na dadalhin sa China, nasabat ng BoC

ABOT sa halagang P750,000 o 13 kahon ng eel fry o igat ang nasabat kahapon ng Bureau of Customs (BOC) sa Fare Cargo Warehouse ng Ninoy Aquino International Airpot (NAIA).

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Dir. Asis Perez, ang mga nasabing kahon ay naglalaman ng mga plastic ng freshwater eel na tumitimbang ng 25 kilo.

Ani Perez, ang mga nasabing mga igat ay protected species.

Batay sa BFAR Administrative Order No. 22, hindi maaaring ilabas sa bansa ang nasabing species kaya malinaw na nilabag ang nasabing batas.

Ayon naman kay Customs Commissioner Ruffy Biazon,  inaalam pa nila kung sino ang shipper o consignee ng naturang kargamento.

Isasakay sana ang mga igat sa China Airlines patungong Kaohsiung, China nang masabat ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply