P1.1-M ari-arian naabo sa Mandaue

NAABO ang P1.1 milyon halaga ng ari-arian sa malaking sunog na sumiklab sa dalawang sitio sa Barangay Umapad, Mandaue City na nagsimula dakong alas-8:50 kagabi.

Nabatid na nasunog ang may 110 bahay na mula sa sitio Kalubihan II at sitio Bacustone sa naturang barangay.

Itinuturo naman na sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Antonito Calida. Hinihinalang naiwan ang isang kandila na naging sanhi ng pagsiklab ng apoy. Bago naganap ang sunog, nawalan muna ng kuryente sa lugar kaya gumamit ang mga residente ng kandila.

Tumagal ang sunog nang isang oras at 15 minuto na umabot pa sa General alarm.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa lamang sa light materials ang mga bahay.

Tumulong na rin ang mga kalapit na fire station upang mabilis na maapula ang apoy.

Walang nasaktan o nasawi sa nasabing sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply