P1.6B premium payments, ibinulsa ni Ampatuan sa ARMM

NABULGAR sa budget hearing ng Senate committee on finance na umabot sa P1.6 bilyong pambayad sa premium ng empleado sa Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARM)) ang sinasabing ninakaw ni dating Gov. Zaldy Ampatuan.

Sa ginanap na budget hearing, sinabi ni Officer in Charge Gov. Mujiv Hataman na hindi nakapagbayad ang ARMM ng halagang P1.6 bilyon bilang premium payment sa Government Service Insurance Service (GSIS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Pg-IBIG Funds mula 2001 hanggang 2010.

“There are ghost employees, so that a total P1.6 billion in GSIS, Pag-IBIG, and PhilHealth rpemiusm could not be located. Thousands of teacher could not get their benefits from GSIS because on non-remittance of their premiums, it is the records of ARMM, but no records of remittance,” ayon kay Senador Franklin Drilon, chairman ng naturang komite.

Sinabi ni Drilon na nakatakdang imbestigahan ng Senado ang naturang anomaly upang tuluyan nang makalkal ang sistemang ginamit sa pagnanakaw ni Ampatuan.

“We will look into this, kasi marami pang katiwlaan ang nangyari sa nakaraang administrasyon dahil sa mga multo sa ARMM na siyang nagnanakaw ng pera ng taumbayan, ng ating kapatid sa ARMM,” giit ni Drilon.

Inihayag din ni Drilon na inaprubahan ng komite ang konsiderasyon sa hinihinging badyet ng ARMM na umaabot sa P13.990 bilyon.

“So, we approved the budget of ARMM in the amount of P13.990 billion, which indicate the confidence on the leadership of Hataman and the regional government,” aniya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply