P1.9-B inilaan ng Germany para sa climate change project ng Pinas

NAGBIGAY ang German Government ng P1.9412 bilyon o $42.2 milyon matapos ang sunud-sunod na kalamidad sa iba´t ibang lugar sa Pilipinas.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje, ang naturang pondo ay nakatutulong sa mga proyektong sasagip sa pagbabago ng klima sa bansa.

Ang nasabing mga kalamidad ay ikinasawi ng libo-libo katao at ikinawasak ng mga tahanan at kabuhayan ng libo-libong pamilya.

Ani Paje, gagamitin ang nasabing pera upang direktang suportahan ang mga tinamaan ng kalamidad.

Bibigyan din umano sila ng kabuhayan at ipaaayos ng mga bahay na nawasak ng baha.
Nakalaan din ang pondo sa pagtatanim ng mga puno sa mga nakalbong gubat, at investment sa mga renewable energies.

Ayon kay Climate Change Commission chief Naderev Sano, napakahirap ipaliwanag sa karaniwang tao kung ano ang ibig sabihin ng climate change ngunit seryosong bagay ito.

Aniya, nararanasan na ngayon ang napakalalakas na bagyo, matinding tag-init at tagtulot at marami pang ibang bahay na hindi dating nararanasan sa mundo.

Dalawang ulit na sinalanta ng baha ang Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Unang bumaha noong September 25, 2009 sanhi ng bagyong Ondoy, at August 6-7, 2012 dahil sa paglakas ng hanging Habagat.

Hindi rin malilimutan ang malagim na paghagupit ng tsunami sa Japan kasunod ng intensity 7 na lindol na ikinasalanta ng buong Fukushima.

Matatandaang sinabi na ni Paje na dapat masanay ang mga Pinoy sa mga nagaganap na kalamidad dahil hindi na mapipigilan ang pagbabago ng klima sa bansa at sa buong mundo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply