P10-M shabu nasamsam sa drug bust, 5 tiklo

NAKUWELYUHAN sa drug busts ang limang katao at abot sa P10 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa magkahiwalay na police buy-bust operations sa Quezon City at Taguig City.

Arestado sina Manan Jalal Mua, 32-anyos, tubong Marawi City; Bocarie Somagen, 26-anyos, ng Lanao del Sur; Mao Yuanying, 49-anyos, ng Benavidez, Manila, at isang nagngangalang Lao sa ikinasang buy-bust operations ng mga operatiba ng Quezon City Police District sa kanto ng Banawe at Sta. Catalina streets dakong alas 7:45 p.m noong Huwebes, Setyembre 20.

Nakuha sa mga suspek ang 1 kilogram ng pinaghihinalaang shabu at isa pang shabu ang nakumpiska sa loob ng Toyota Vios (ZEH-846) na minamaneho ng mga suspect.

Ang nakumpiskang illegal substance ay may street value na P10 milyon.

Sa Taguig City, natiklo ng mga elemento ng city police’s Drug Enforcement Unit ang tulak na si Ferdinand Santos, alias Ferdie, sa ikinasang buy-bust operation nitong rin Huwebes ng gabi.

Nakuha kay Santos ang dalawang plastic sachets na hinihinalang shabu sa isang police poseur-buyer sa kanto ng Manuel L. Quezon at Adia streets sa Barangay Bagumbayan dakong alas 8 p.m.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply