P100M halaga ng CCTV, ikakasa ng QC sa 142 barangay

BIBILI ang Quezon City government ng P100 milyong halaga ng Closed Circuit Television cameras (CCTV) na ikakasa sa pangunahin at sekondaryong kalye sa may 142 barangays sa lunsod.

Sinabi ni QC Mayor Herbert H. Bautista na may pondo na para sa pagbili ng CCTV cameras para ma-monitor ang iba’t ibang insidente, kabilang na ang krimen at aksidente, para rin matulungan ang awtoridad na mapabilis ang paghuli ang mga nakunan sa CCTV na sangkot sa isang  insidente.

Ang natrng hakbang aniya ay parte ng pinalakas na pagpupursige ng city government para mapanatili ang peace and order at maprotektagan ang publiko mula sa masasamang loob at matulungan na rin ang Quezon City Police District (QCPD) para ito ay maisakatuparan .

“Let us use technology in our bid to resolve crimes and put on jail criminals at the soonest possible time. CCTV will help our authorities to solve crimes speedily,” pahayag ni Mayor, at idinagdag pa hindi na nila  hihintayoin pa ang pagpapatayo ng Disaster Risk Reduction Management Council Building sa QC hall compound bago bumili ng CCTV na tulad nang naunang plinano.

Sinabi rin ni Bautista na ang business permit and licensing office (BPLO) ay patuloy na ipatutupad sa mga  business establishments, lalo na ang mga bangko, restaurants, schools, auto shops, malls, at kahit mga simbahan na maglagay ng CCTV sa kanilang lugar para masawata ang aktibidades ng mga kriminal.

Bukod pa rito, handa na ring bumili ang city government ng iba pang hi-tech gadgets at equipment tulad ng computerized cartographic sketch machine para lalon pag palakasin ang paglaban sa krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply