P10k bonus sa SSS employees aprubado na

DAHIL sa pagpapakitang-gilas ng mga empleado ng Social Security System (SSS), inaprubahan na ni Pangulong Aquino ang pagbibigay ng  P10,000 bonus para sa mga opisyal at manggagawa nito.

“Dahil sa pagpapakitang-gilas ng SSS, hindi na rin po ako nag-atubiling pirmahan ang 55th anniversary bonus para sa inyong mga kawani,” ayon sa talumpati ni President Benigno Aquino III sa 55th anniversary celebration ng pension fund sa main office ng SSS sa Quezon City.

“Sabi po ni Butch Abad na-i-release na po ito nitong ika-31 ng Agosto na nagkakahalaga ng sampung libong piso.”.

“‘Di man nito matutumbasan ang inyong mga pagsusumikap, ituring naman ninyo itong pasasalamat sa walang-sawa ninyong pag-agapay sa mamamayang Pilipino,”  dagdag pa nito.

Kasama sa achievements ng  pension fund for private sector employees ay ang  pagdagdag ng miyembro na tumaas ng  68 percent mula  January hanggang  April – resulta lamang sa website at online transactions.

“Ang dating 189,576 na bagong web registrants sa parehong panahon noong nakaraang taon, naging 318,000 na ho ang bilang. Kung may Facebook page nga po ang SSS, hindi na ako magtataka kung libo-libong “likes” ang makakalap ninyo mula sa taumbayan.”

Ayon pa kay PNoy,  umalagwa rin ang SSS  net earnings sa P25.5 billion noong 2011 mula sa  P22.8 in 2010.

“Kapag may nakita kayong bitak sa sistema, kapag may nakasalamuha kayong utak-wangwang sa burukrasya, huwag kayong magbulag-bulagan,” the President urged SSS employees. “… [I]lantad natin ang katotohanan… Ito ang inaasahan ng taumbayan mula sa inyo, ito rin ang aking inaasahan sa inyo.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply