P11+1 fare guide sa MRT, LRT, ipatutupad sa 2013

MARIING nanindigan ang pamunuan ng Light at Metro Rail Transit na tuloy na talaga ang pagtaas ng pasahe sa LRT at MRT sa susunod na taon.

Ayon kay LRTA Spokesman Atty. Hernan Cabrera, mayroon na silang fare guide na tinatawag na “11 + 1”.

Sinabi ni Cabrera, pagkasakay pa lang ng pasahero sa LRT at MRT ay P11 kaagad ang minimum na babayaran nito at madadagdagan ng piso ang babayaran nito sa mga susunod na kilometro.

Halimbawa nito, kung ang isang pasahero ay nagbabayad ng P20 sa LRT Line 1 mula Roosevelt hanggang Baclaran, ngayon ay magiging P30 na ito.

Una nang sinabi ni dating Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Mar Roxas na ang napipintong pagtaas sa pasahe sa LRT at MRT ay dahil masyadong malaki ang subsidiyang ibinubuhos dito ng pamahalaan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply