P12.6B alokasyon ng PhilHealth, 5.2-M Pinoy mabibiyayaan – Loren

SINUPORTAHAN ni Senadora Loren Legarda ang P12.6 bilyong alokasyon ng pamahalaan sa panukalang 2013 national budget para sa health coverage ng may 5.2 milyong pamilyang Pilipino sa ilalim ng Philippine Health Insurance Corporation.

Kasabay nito, hiniling din ni Legarda ang agarang pagpasa ng Senate Bill 2849 na inihain nito na naglalayong pasanin ng pamahalaan ang kontribusyon ng mahihirap na pamilya para sa pangangalaga ng kanilang kalusugan.

Ayon pa sa senadora, nakatuon ang programang pangkalusugan ng Department of Health sa may 20% mahihirap na pinoy na natukoy ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) na silang awtomatikong nagtatala sa PhilHealth.

At bilang miyembro, walang babayaran ang mga natukoy na miyembro ng pamilya sa sandaling ma-ospital sa anumang government hospitals.

Gayundin, mayroong outpatient care benefits ang PhilHealth para naman sa pangunahing lunas na nararamdaman ng  isang maysakit.

“The National Health Insurance Act mandates that an affordable and accessible healthcare coverage should be made available to all citizens. It is encouraging that the government will be devoting P12.6-billion financial risk protection from the cost of diseases for the poor through health insurance. It is the task of Congress to institutionalize this program through the immediate passage of the Mandatory Universal Healthcare Coverage bill”, diin ni Legarda.

Kasabay nito, nagkasundo sina Health Secretary Enrique Ona at Legarda para pagtulungnan na maipalaganap at  maipaliwanag ang isinusulong na programang “Kalusugang Pangkalahatan” na ang mabebenepisyuhan nito ay makakatanggap ng libreng gamutan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply