P125 wage hike, iginiit ng militanteng grupo

SUMUGOD sa Batasang Pambansa kaninang umaga ang mga miyembro ng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU), Anakpawis at Pinag-Isang Samahan Ng Mga Tsuper At Operator Nationwide (PISTON) para igiit ang P125 wage increse.

Kinatok ng grupo ang mambabatas para muling hilingin na maipasa ang P125 legislated wage increase.

Sinabi ng grupo na nananakot lang ang mga kumpanya na sinasabing magdudulot sa retrenchment ang hiling na dagdag sahod at maging ng pagmahal ng presyo ng mga pangunahing bilihin sakaling maitaas ang sahod.

Iginiit ng grupo na bukod sa tumataas pa rin ang presyo ng mga pangunahing bilihin kahit walang wage increase ay 12% lang naman ang mababawas sa kita ng mga kumpanya kapag ipinatupad ang umento sa sahod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply