P13-M pinsala dulot ng 7.7 lindol sa Visayas

MAHIGIT P13 milyon ang inisyal na halaga ng pinsala ng magnitude 7.7 na lindol na tumama sa Eastern Visayas.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang dito ang nasirang Layug Bridge na nag-uugnay ng Borongan at Taft sa bayan ng San Julian, Eastern Samar, na tinatayang P4 milyon ang halaga ng danyos.

Nagkaroon din ng bitak ang railings ng Sulat Bridge sa bahagi ng Wright-Taft-Borongan roads pero hindi pa mabatid ang eksaktong halaga ng nagging pinsala nito.

Maliban sa mga tulay, nasira rin ng paguga ang ilan sa pangunahing kalsada at pantalan sa ilang bayan sa Region 8.

Kaugnay nito, iniutos na Malacañang sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na bilisan ang damage assessment at agad ayusin ang mga nasirang istruktura na sinira ng lindol.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kumilos na ang quick response team ng DPWH sa rehiyon para ma-validate ang mga reports.

Ayon kay Valte, walang dapat ikabahala dahil agad aaksyunan ito ng DPWH para balik sa normal ang daloy ng transportasyon sa mga nasirang daan at tulay.

Magugunitang batay sa pahayag ng PDRRMC sa Eastern Samar, nasa tatlong tulay ang nasira habang marami ring kalsado ang nagkaroon ng crack na kailangang ayusin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply