P16.7-M New Era football caps nasamsam sa Pasay

NAKUMPISKA ng National Bureau of Investigation ang mga “New Era” football cap na tinatayang nagkakahalaga ng P16.7 milyon sa pagsalakay na ikinasa sa mga pangunahing pamilihan sa Pasay City.

Tatlong tindahan ng HEAD cover merchandising, na pag-aari ng isang Dong Kai, alyas Paul Tan, na matatagpuan sa Stalls B-63 at 65 sa ibaba ng Baclaran Terminal Plaza Shopping and Amusement Center; Stall 2F-8 2nd floor; TWO shopping center, stall 2A-13, 2nd floor, New Galleria Baclaran Shopping Mall, Taft Ave. Extension, Pasay City.

Sinalakay din ang Fliess Marketing na pag-aari ng isang Susan Sy na matatagpuan sa Stall B-39 at 41, sa ibaba ng Baclaran Terminal Plaza.

Nasamsam sa apat na tindahan ang 16,688 na pekeng “New Era” football caps, at 696 pekeng sticker.

Kakasuhan ang mga may-ari ng tindahan ng trademark infringement at unfair competition sa ilalim ng Intellectual Property Code ng Pilipinas o Republic Act No. 8293.

Isinagawa ang pagsalakay ng NBI matapos mag-isyu ng search warrant si acting presiding Judge Lyliha L. Abella-Aquino ng Manila Regional Trial Court Branch 24.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply