P18 M jackpot sa 6/45 naiuwi ng isang ginang

MAHIGIT P18 milyong piso ang kinubra na kahapon ng isang 36-anyos na ginang makaraang solo nitong napanalunan ang 6/45 Mega lotto na binola noong Lunes ng gabi sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Labis ang kagalakan ng ginang na residente ng Makati City nang tanggapin kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II ang tsekeng nagkakahalaga ng P18,737,063.40 na kanyang tinamaan matapos makuha ang
mga kombinasyong 19-37-26-13-02-17 na isang linggo lamang niyang inaalagaang tayaan sa pamamagitan ng system 7 na may halagang P70.

Ayon kay Rojas, kinuha ng ginang ang mga inalaagang numero mula sa petsa ng kapanganakan ng mga miyembro ng kanyang pamilya.

Plano ng ginang na bumili ng sarili nilang bahay at lupa, magtayo ng sariling negosyo, balatuhan ang kanyang mga kapatid at maglaan para sa kinabukasan ng dalawa niyang anak

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply