P18M jackpot ng Mega Lotto nasungkit ng taga-Pasay

NASUNGKIT ng isang taga-Pasay City ang mahigit P18 milyon jackpot prize ng 6/45 Mega Lotto na binola kagabi sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, solong nakuha ng masuwerteng mananaya ang kombinasyon na19-37-26-13-02-17 ng 6/45 Mega Lotto na may katumbas na kabuuang premyong P18,599,063.40 matapos tumaya sa isang lotto outlet sa Malibay, Pasay City.

Samantala, bigo pa rin ang libo-libong mananaya na mahagip ang tamang kombinasyon ng 6/55 Grand Lotto makaraang lumabas ang kombinasyon na 17-52-24-26-37-45 na may kabuuan namang premyong P270,625,339.60.

Sinabi ni Rojas na inaasahan na nilang papalo na sa mahigit P295 milyon ang premyo ng Grand Lotto na nakatakdang bolahin bukas ng gabi kaya’t pinayuhan niya ang mga lotto bettor na maagang tumaya dahil
inaasahan na ang mahabang pila sa mga lotto outlet.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply