P2.006-T 2013 budget, ipapasa mamayang gabi

KUNG walang magiging aberya ay tuloy na ang pagpapasa sa ikalawang pagbasa sa panukalang 2013 national budget na P2.006 trilyon.

Umaasa si House Majority Floorleader Neptali “Boyet” Gonzales II na aaprubahan ang panukala hanggang ngayong gabi gaya ng itinakdang kalendaryo.

Hanggang September 22, ang sesyon at magkakaroon ng halos dalawang linggong bakasyon upang bigyang daan ang filing of certificate of candidacy at sa October 08, magbabalik-sesyon.

At kaalinsabay nito ay siniguro ni Gonzales na maaaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang 2013 budget sa kanilang pagbabalik sesyon.

Ngayong maghapon ay nakatakdang tapusin ang DSWD, DepEd, DOE, DOF, DBM at iba pang tanggapan na nasa ilalim ng Office of the President.

“We are very much ahead of the schedule and we assure that accountability and transparency are the primary considerations in the disbursement of funds,” ani Gonzales.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply