P2 dagdag sa pasahe, malabong aprubahan

MALABONG makapagpalabas ng pabor na desisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board para sa hinihinging P2 dagdag singil sa pasahe sa mga pampasaherong jeepney.

Sinabi ni LTFRB Chairman Jaime Jacob na bigo pa rin mapatunayan ng jeepney transport group kung bakit P2 ang hinihingi nilang dagdag sa pamasahe.

Ipinaliwanag pa ni Jacob na maraming dapat na ikunsidera sa naturang usapin isa na rito ang hinihintay nilang pag-aaral na magmumula sa NEDA at DOE na kanila pa ring hinihintay.

Nasa transport sector na, aniya, kung gagawin nilang dahilan ang tagal ng paglalabas ng desisyon upang magsagawa ng kilos protesta subalit ibang usapin na kung tigil pasada ang kanilang isasagawa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply