P2 withdrawal fee, tinututulan ng mga manggagawa

TINATAYANG anim na milyong Pilipino ang apektado ng P2 withdrawal fee na ipinatupad ng BDO o Banco de Oro simula noong Sabado.

Ayon sa Kilusang Mayo Uno o KMU, maraming mga manggagawa ang apektado dahil dito kumukubra ng kanilang mga sahod sa pamamagitan ng cash card ng BDO.

Mariing tinututulan ng mga manggagawa ang P2 withdrawal fee.

Ayon sa  KMU, dagdag na pasanin ito ng mga manggagawang tumatanggap ng kanilang mga sahod sa pamamagitan ng Cash Card at automated teller machines o ATM ng naturang bangko.

Paliwanag ni KMU chairperson Elmer Labog, panibagong pagbabawas ito sa kakarampot na ngang kinikita ng mga manggagawa.

Dagdag ng lider obrero, wala naman daw pakinabang ang mga manggagawa sa ganitong patakaran na layon lamang na dagdagan ang bilyon-bilyong piso nang tubo na ng naturang bangko taon-taon.

Ang cash card ng BDO na pagmamay-ari naman ng pinakamayamang negosyante ng bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply