P200M natapid sa Quezon Ave underpass project

BUKOD sa napaaga, nakatipid din ang gobyerno ng P200 milyon sa pagpapagawa ng Quezon Avenue underpass na binuksan na sa publiko Biyernes ng umaga.

“Who wouldn’t be impressed? The original P694-million budget was reduced to P430 million, and it was completed ahead of schedule,” pahayag ni Pangulong Arroyo sa pagpapasinaya sa bagong underpass na isang remedy para maibsan ang pagsisikip ng trapiko mula Welcome Rotonda hanggang sa Araneta Avenue.

Ang naturang proyekto ay sa Disyembre pa matatapos pero binuksan na ito nitong nakaraang Biyernes na mismong si Pangulong Aquino ang nagpasinaya sa nasabing okasyon.

Bukod pa rito, malaki ang natipid ng naturang proyekto dahil ang inisyal na halaga nito ay mahigit P600 milyon pero nabawasan ito ng P200 milyon.

Ang proyekto ay nakaksang matapos sa loob ng 18 buwan na mula Hunyo 20, 2011, hanggang Disyembre 10, 2012, at mayroon itong alokasyong P694.15 milyon sa national budget.

Pero nang may baguhin sa disenyo, ang halaga ay unang naibaba sa P534.6 milyon at bumaba pa sa P430 million.

Nauna rito, ikinasa rin ni Pangulong Aquino ang inagurasyon ng North Rizal Water System Project sa Barangay Payatas, Quezon City, na mapagsisilbihan ang mga taga Quezon City, Marikina, at San Mateo town sa Rizal province.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply