P23.6-B badyet ng DENR, aprub na

APRUB na sa Senate committee on finance ang P23.6 bilyong badyet ng Department of Environment and Natural Resources upang matustusan ang pagpapalawak ng pagtatanim at pagtugon sa climate change sa buong bansa.

Sa ginanap na pagdinig nitong Martes, sinabi ni Sen. Franklin Drilon na aprubado na sa committee level ang badyet ng DENR na isinagawa upang malakas ang pagtugon ng bansa sa epekto ng climate change.

Kabilang sa prayoridad ng DENR ang malawakang pagtatanim ng puno, distribusyon ng lupain at ila  pang pangunahing climate change initiatives na siyang pangunahing target ng pamahalaan upang maisulong ang paglago ng ekonomiya.

Alinsunod sa inaprubahang badyet, nakatakda nang ipatupad ng DENR ang National Greening Program (NGP)  na naglalayong magtanim ng 150 milyong puno sa mahigit 300,000 ektarya ng nakalbong kagubatan.

Base sa plano, nakatakdang magtanim ang pamahalaan ang 1.5 bilyong puno sa 1.5 milyong ektarya ng lupain sa buong bansa na mas mataas ng 28% sa bilang ng punong naitanim sa nakalipas na 50 taon.

Bukod dito, kasama sa badyet ng DENR ang pagmementeni ng 300,000 ektarya ng plantasyon at proteksiyon ng 4.7 milyong ektarya ng untenured forestland.

Pangunahing sa magiging aktibidad ng ahensiya sa 2013 ang rehabilitasyon ng mahigit 30,000 ektarya ng coral reefs at 2,000 ektarya ng nakalbong mangrove areas kabilang ang proteksiyonan sa protected areas na may delineation ng mahigit 3,156 kilometro ng boundary ng 34 Pas, pagtatanim ng native trees sa mahigit 24,104 ektarya ng lupain sa loob ng naturang PAs.

“The increase is to ensure that social commitments are instituted with a focus on the country’s idle assets and turn these into productive lands,” ayon kay DENR Secretary Ramon Paje.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply