P28-M lotto jackpot naiuwi ng magsasaka

MAHIGIT P28 milyon ang naiuwi ng 62-anyos na binatang magsasaka makaraang ipagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na solo niyang napanalunan sa 6/49 lotto na binola noong Agosto 14 sa tanggapan ng PCSO sa Pasay City.

Personal na iniabot ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II ang tsekeng nagkakahalaga ng P28,530,781.20 sa matandang binata na mula pa sa Butuan City na nakahagip ng kombinasyong 01-38-37-12-47-09 mula sa tayang P60 na pawang mga lucky pick.

Ayon kay Rojas, uunahin ng mapalad na lotto bettor na magbigay ng donasyon sa simbahan mula sa bahagi ng kanyang napanalunan at bayaran na rin ang lahat ng kanyang mga pagkakautang.

Plano rin ng binatang magsasaka na bumili ng sariling lupa na masasaka at magbigay ng balato sa kanyang mga kapatid at malalapit na kamag-anak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply