P317 B pondo ni PNoy, idenepensa ng Palasyo

HANDA ang Malakanyang na ipaliwanag sa publiko ang P317 billion special purpose fund ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, sasagutin ng Department of Budget and Management (DBM) ang lahat ng pagdududa kaugnay sa nasabing pondo.

Tugon ito ng Malakanyang sa pangamba ni dating National Treasurer Leonor Briones na maaring magamit ang nasabing special purpose fund sa 2013 elections.

Aniya,  transparent ang pagbuo ng nasabing pondo ng Office of the President at hindi itinatago sa publiko.

Ang naturang  pondo ayon kay Briones ay maaring ilipat at i-realign ng Pangulo sang-ayon sa kanyang kagustuhan.

Samantala, inaprubahan na kahapon ng Kamara ang hirit na special purpose fund ni Pangulong Aquino na hindi na dumaan sa pagbusisi ng mga kongresista.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply