P40 milyon bagong CCM building itatayo

ITATAYO ang isang bagong apat na palapag na gusali para sa mga college student ng City College of Manila (CCM).

Pinangunahan kanina ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang ground breaking ceremony para sa itatayong  4-storey “Tondo I Annex Building” sa Mehan Garden,sa tabi ng CCM building.

Pinasalamatan ng alkalde si Manila’s 1st district House Representative Benjamin “Atong” Asilo dahil ang  P40 milyon gastusin sa pagtatayo ng gusali ay manggagaling sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Ang naturang gusali ay itatayo para sa karagdagang enrollee ng zero tuition fee colleges.

Sinabi ni Asilo na tinulungan niya ang alkalde dahil aprubado sa kanya ang ginagawa nito sa Maynila.

Lahat umano ng congressman sa 6 na distrito ang naniniwala at sumusuporta sa alkalde.

Idinagdag pa ni Lim na dahil sa itinayo niyang libreng kolehiyo, madami ng kabataan ang nagbago ang buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply