P412.4-B gov’t projects, inaprubahan ng NEDA

INAPRUBAHAN na ng National Economic and Development Authority (NEDA) board ang siyam na government projects na umabot sa P412.4 billion.

Inisa-isa ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Sec. Ricky Carandang ang siyam na government projects na hinimay mabuti ng NEDA board sa idinaos na NEDA board meeting sa pangunguna ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ang government projects na inaprubahan ng NEDA board ay ang:

1. Flood Management Master Plan for Metro Manila and Surrounding Areas, may budget na P351 billion at magsisimula ngayong taon hanggang 2035;

1.1 Improvement of Various Floodways/ Drainage Systems and River Capacities in Metro Manila, Regions III and IV-A, na may budget na P5 billion at magsisimula ngayong 2012 at magtatapos naman sa 2013;

2. Various Bridge Projects of DPWH throughout the country, na may budget na P16.3 billion na magsisimula naman sa 2013 at magtatapos sa 2017;

3. Change in Scope, Increase in Cost and Implementation Extension for the Mindanao Roads Improvement Project (MRIP), na may budget na P3.9 billion, magsisimula ngayong 2012 at magtatapos naman sa 2014;

4. Light Rail Transit (LRT) Line 2 East Extension Project, na may budget na P9.7 billion, magsisimula ngayong 2012 at magtatapos sa 2016;

5. MRT 3 Capacity Extension Project, na may pondo na P8.6 billion; magsisimula ngayong 2012 at magtatapos sa 2019;

6. Bicol International Airport Project, na may pondong P4.8 billion na magsisimula naman sa 2013 at magtatapos naman sa 2015;

7. New Bohol (Panglao) Airport Development Project, na may pondong P7.4 billion at magsisimula naman sa 2012 at magtatapos sa 2017;

8. Strengthening of Angat Dam and Dike Project, na may pondong P5.7 billion na magsisimula sa 2013 at magtatapos sa 2016;

9. PSALM’s Request for Financing Agus VI Hydroelectric Poweplant (Units 1 and 2) Uprating Project na hanggangbsa ngayon ay walang maipanukalang pondo dahil isa pa lamang itong “request”.

Sa kabilang dako, ang dalawang proyekto naman na hindi pa inaprubahan ng board ay ang Cavite-Laguna extension at ang pagbili ng cargo vessels na gagamitin ng coast guard.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply