P430M Quezon Avenue underpass, tapos na sa Biyernes

INANUNSYO kaninang umaga ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang P430-M underpass project sa Quezon Avenue crossing C-3 Road (G. Araneta Avenue) sa Quezon City ay matatapos na ngayong linggo.

“Actually, it is already finished. Our tentative schedule for full completion is by Friday,” pahayag ni DPWH Regional Operations Undersecretary Romeo Momo.

Ang konstruksyon ng C-3-Quezon Avenue Interchange Project, na kumokober sa 440 lineal meters at 330 lineal meters sa parehong direksyon ay simulan noong Hunyo 2011 ng contractor Ciriaco Corp.

Ang proyekto ay nagbigay daan din para magkasa ng overpass sa C-3 Road, na may habang 75 meters at may lapad na 18.5 meters.

Sinabi ni Momo na bubuksan ang underpass sa mga motorista kapag naayos na ang ilan sa mga diperensya sa susunod na linggo.

Ang paggawa ng naturang underpass ay naging sanhi ng masikip na pagdaloy ng trapiko sa Quezon Avenue at C-3 Roads simula nang umpisahan ang nasabing proyekto.

Ang parsyal na pagbubukas kamakailan ng northbound at southbound lanes ay nagdulot ng kaginhawaan sa daloy ng trapiko sa lugar.

Inaasahan naman na magiging banayad na ang trapiko sa EDSA, Aurora Boulevard, at España Boulevard kapag nakumpleto na ang proyekto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply