P5.6-M pirata na CD, DVD, nasamsam ng OMB, PNP sa Ilocos Sur

VIGAN CITY – Abot sa P5.6 milyong halaga ng mga piratang CD, CVD at DVD ang nasamsam  kamakalawa ng pinagsanib na puwersa ng Optical Media Board (OMB) at Candon Philippine National Police (PNP) sa Candon, Ilocos Sur.

Ang mga nasabing pekeng CD, CVD at DVD ay nasamsam ng OMD sa pamumuno ni Agent Dean Perez, ng National Capital Region at Candon police sa isang public market sa nasabing siyudad.

Ayon kay Perez bago isinagawa ang nasabing raid, nakatanggap sila ng intelligence report sa umano’y talamak na bentahan ng mga piniratang mga CD, VCD at DVD.

Matapos makumpirma ang nasabing iligal na activities agad na lumuwas ang grupo ni Perez at nakipag coordinate sa Candon police para magsagawa ng raid.

Kinumpiska ang mga equipment at dinala sa OMB Manila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply