P6-M 6/42 jackpot nasungkit ng labandera

MAHIGIT P6 milyong piso ang naiuwi na ng isang 41-anyos na labandera mula sa Bacolod makaraang solong napanalunan ang 6/42 lotto na binola noong Agosto 28 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Personal na iniabot ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II sa mapalad na nagwagi ang tsekeng nagkakahalaga ng P6,190,594.20 na katumbas ng jackpot prize ng  kombinasyong 12-29-27-11-04-09 na
hinulaan lamang niyang tayaan ng halagang P10.

Nagpahayag naman ng kasiyahan si Rojas nang malaman na isang labandera lamang ang solong nagwagi  dahil malaki aniyang tulong ito upang maitaguyod ang pag-aaral ng limang anak.

Plano naman ng ginang na bumili ng kanilang sariling bahay at lupa sa Bacolod, magtayo ng maliit na negosyo at maglaan para sa kinabukasan ng mga anak.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply