P63K natangay sa tindahan ng spare parts ng motorsiklo

NAPASOK at napagnakawan ang isang tindahan ng spare parts ng motorsiklo sa Caloocan City kaninang umaga.

Umabot sa P63,671 ang natangay sa Probikes Motorcycle Center sa 12th Avenue ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga nang mapansin ng cashier na si Glaiza Salamira na bukas ang kaha at wala na ang mga nasabing pera na naging dahilan upang ipaalam sa mga pulis.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nasabing insidente at inaalam kung inside job ang nangyari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply