P7M kotong sa trainee nurses ng VMMC, buking

NADISKUBRE ng Commission on Audit (COA) na aabot sa mahigit P7 milyong ang iligal na kinolekta ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) mula sa 2,455 nurse-trainees.

Batay sa report ng COA, umaabot sa kabuuang P7,824,800 ang kinolekta ng VMMC para sa seminar fees sa mga trainee nurse na aabot lamang sa P459,800 ang mayroong official receipts.

Nabatid ng COA na nagsagawa ang VMMC ng intravenous therapy training programs mula Enero hanggang Disyembre 2011 at nangolekta ng P150 sa kada participants.

Nasundan ang training noong Enero hanggang Abril at tumaas na ang kanilang sinisingil sa kada participants.

Natuklasan din sa report na nangolekta ang VMMC ng P3,200 mula sa nurse-trainees na ang halagang P3,000 ay inisyuhan ng ordinary provisional o temporary receipts at nagbigay naman ng official receipts na P200 na siyang ini-remit sa kahera ng VMMC.

Hanggang sa kasalukuyan, sinisiyat ng pamunuan ng COA ang VMMC kung saan napunta ang kalabisan sa siningil na training.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply