P47M na halaga ng African rhino horns, nakumpiska

NAKUMPISKA kaninang umaga ng tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang may tinatayang P72-milyong halaga  ng rhinoceros horns mula sa Africa na inihalo sa sako ng kasoy.

Sinabi ni Customs deputy commissioner Danilo Lim na ang anim na rhino horns, na tumitimbang ng 13 kilos, ay nadiskubre sa loob ng isang container na mula sa Mozambique, Africa na dumating sa Manila International Container Port nitong Agosto 25, at idineklarang cashew nuts.

Kinumpiska, aniya, ang naturang kargamento alinsunod sa International Convention on the Trade of Endangered Species of Flora and Fauna.

“Basta ang alam natin ang shipment na ito sa Mozambique, Africa ang nakalagay ay cashew nuts, kasoy na hindi naman kilala ang lugar na iyon sa pagpo-produce ng kasoy kaya nagsuspetsa agad tayo plus mga intelligence na natanggap natin sa shipment na ito. At noong in-inspect natin ito, talagang nahanap ang mga rhino horns sa kaloob looban. Talagang nakatago kasama ng mga cashew nuts,” pahayag ni Lim.

Kahit walang nakalagay sa talaan ng kontrabando kung ano ang pangalan ng consignee, sinabi ni Lim na itutuloy pa rin nila ang imbestigasyon.

“Walang nakalagay na consignee, hindi nag-file ng entry pero hindi ibig sabihin titigil na tayo doon. Ipagpapatuloy imbistegasyon at managot na rin kung sino talaga responsable dito,” dagdag pa nito.

Ang nakumpiskang rhino horns, na halagang $133 per gram, ay ibibigay sa Department of Environment and Natural Resources para sa kaukulang kustodiya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply