P74.1-B budget ng DA aprub na sa Kongreso

INAPRUBAHAN na ng House of Representatives sa idinaos na plenary session ang proposed budget na hinihingi ng Department of Agriculture para sa susunod na  taon na nagkakahalaga ng P74.1 billion (B), bahagi ng General Appropriations Bill (HB No. 6455) para sa 2013.

Tumayong sponsor ng naturang budget ng  DA  si Tawi-Tawi Representative Nur G. Jaafar, kanyang dinepensahan ang ahensya sa alokasyon na mas mahigit ng 21%  na budget ngayong taon na P64.1 B.

Sa depensa ni Jaafar, ang P74-billion budget ng DA ay halos mapupunta sa irrigation, ang ilan ay sa pangunahing agri-fishery infrastructure at support services upang makamit ang sapat na suplay ng bigas at iba pang serbisyo hanggang katapusan ng 2013, at iangat ang Food Staples Sufficiency Program (FSSP) ng administrasyong Aquino.

Laking pasalamat naman ni Agriculture Secretary Proceso J. Alcala sa suportang ibinigay sa programa ng mga mambabatas ng Kongreso  at inaprubahan ang kanilang mga gagastusin.

Dahil dito, sinabi ni Alcala na magiging sulit naman ang  bawat piso na gagastusin dahil mapupunta ito lahat sa proyekto para maiangat ang produksiyon  at kita ng bawat maliliit na  magsasaka at mangingisda at sapat na masustansiyang pangangailangan sa kabuhayan at pagkain ang bawat pamilyang Filipino.

Sa ilalim ng  FSSP, plano ng gobyerno na makalikha ng hanggang 20 million metric tons (MMT) ng  palay at 8.75 MMT  ng mais.

Samantala, sinabi  ni Secretary Alcala  na ipiprisinta  pa ng DA  at didipensahan ang hinihinging budget  sa Senate of the Philippines sa susunod na buwan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply