P8.96M smuggled na bawang, nasabat ng BOC

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang aabot sa P8.96 milyong halaga ng smuggled na bawang mula China na tinangkang ipasok sa Port of Manila.

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, peke ang dokumento at kulang sa permit ang nasabing kargamento.

Ito rin, aniya, ang posibleng dahilan kung bakit sinadyang iabandona ng consignee na Aqua Blue Marine Trading ang kargamento.

May kabuuang 6,948 bags ng smuggled na bawang ang shipment kung saan lumalabs na ang Au Jining Wanlixing Fruits and Vegetables ng Shandong, China ang shipper nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply