P8-M extortion case, paiimbestigahan ng PDEA

MAGSASAGAWA rin ng internal investigation ang Philippine Drug Enforcement Agency kaugnay sa umanoy napaulat na P8-milyon extortion anomaly sa loob ng ahensya.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose Guttierez, Jr., nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Internal Affairs Service (IAS) at inilagay na sa “floating status” ang lahat ng sangkot na mga tauhan ng PDEA sa umano’y tangkang pangingikil sa isang drug suspect na si Mark Sy Tan.

Ikanalungkot naman ng opisyal ang paglabas sa media ng iba’t ibang kuwento tungkol sa nasabing anomalya na maaari umanong makaapekto sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso.

Matatandaang ibinulgar ng nasibak na si Carlos Gadapan, dating PDEA deputy director general for operations, ang isyu ukol kay Tan.

Sinabi sa ulat na naniniwala si Gadapan na tinanggal siya sa trabaho dahil ipinaalam niya kay Gutierrez ang umano’y pagsusugal ng asawa nito.

Si Gadapan ay iniimbestigahan dahil sa umano’y kasong corruption. Sa isang Senate hearing , idinawit ni Gadapan si Gutierrez sa “extortion attempt” kay Tan.

Itinanggi ni Gutierrez at Tan ang paratang ni Gadapan.

Nauna nang itinanggi ng abogado ni Tan sa preliminary investigation ng Department of Justice na nagbigay sila ng pera sa mga tauhan ng PDEA.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply