Paano ba yumaman?

MADALING yumaman sa ating bansa. At madali rin namang maging mahirap.

Madaling yumaman. Ma-employ ka lang sa BIR o sa Customs, o maski na sa Nawasa, sa DPWH, sa DepEd, sa pulisya, sa military, mas malamang sa hindi na bigla kang yayaman.

Madali nga ring maging mahirap. Magpakatamad ka at tiyak na magiging mahirap ka. At hihirap ka rin kung ikaw ay magiging isang taong may prinsipyo, may dangal at marunong magmahal sa bayan.

Maski gunggong ka, madali kang yayaman. Dilaan mo lang nang dilaan ang mayaman mong boss, tiyak na maaambunan ka ng kanyang grasya. At kung mayaman ka na rin,
puwede ka nang magkaroon ng sarili mong private army.

Ikaw na ang magiging bosing ng iyong mga kapitbahay. At kung talagang napakayaman mo na, ikaw na rin ang pinakamatalino sa buong mundong iyong ginagalawan.

Nguni’t kung ang hanap mo ay ligaya para sa iyong sarili at ligaya para sa mga kababayan mo, ang advice ko lang sa inyo ay huwag kang papasok sa gobyerno o sa pulitika.

Ang mga taong may prinsipyo ay malamang na sa kangkungan pinupulot. Malamang na makulong ka pa. Ipakukulong ka ng justice system at ipakukulong ka rin ng taga-executive at legislative branches ng ating gobyerno. Baka ipapatay ka pa nga.

Madali ngang maging mahirap. Pero nakaiinip ang maging mahirap. Hindi mo masunod ang luho mo.

Hindi mo mabigyan ang asawa o girlfriend mo ng material things like a simple ring, a simple dinner in a simple restaurant. At hindi mo mapag-aaral ang iyong mga anak sa private school.

Ako, ilang beses ko nang sinubukang maging mahirap, pero natanto ko na mas mahirap ang maging mahirap.

At maging malinis. Lalayuan ka ng mga kabarkada mo sa gobyerno. Liability ka.

Gusto ko nang makaranas ng kayamanan. Ang problema ko lang, dahil akala nila ay isa akong taong ma-prinsipyo, walang magsuhol sa akin, walang may gustong magbigay sa akin ng envelop.

At kung wala kang pera, ikaw na ang magiging pinaka bobo sa mundo.

Siya, apply na kayo sa gobyerno bago pa maubos ng iba ang kaban ng bayan.

Pag mayaman ka na, lalapit na sa iyo ang iba’t ibang leader ng mga relihiyon, at ikaw ay magiging banal.

Baka maging santo papa ka pa at magkaroon ng isang tambak na Chedeng at Volvo at sarili mong private army at supersonic na jumbo jet.

Pero kung magiging Obispo ka lang, okay lang ba na sports utility vehicle lang ang madilihensiya mo sa gobyerno? At plenty of girls?

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply