Padyak para sa mga katutubo, ilulunsad ng Simbahan

HINIKAYAT ng Simbahang Katoliko ang mga mananampalataya na ilabas ang kanilang mga bisikleta at lumahok sa kanilang idaraos na pagbiyahe para sa karapatan at kapakanan ng mga indigenous peoples (IPs) na patuloy na dumaranas ng kahirapan at development aggression.

Ayon sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ng Catholic Church, inaasahang aabot sa 150 biking enthusiasts mula sa Luzon, Visayas at Mindanao, ang lalahok sa aktibidad na tinatawag na “Padyak para sa Katutubo at Kalikasan II.”

Nabatid na ang race ay may temang “Evangelization and Inculturation” at nakatakdang idaraos sa Oktubre 14, kasabay ng pagdiriwang ng Indigenous Sunday.

Magsisimula ang lap sa Calapan City, sa Mindoro at magtatapos sa Barangay Manoc-Manoc, Boracay Island sa Aklan.

“The objectives of the race would be (1) to raise awareness on the plight of our country’s indigenous peoples and the current situation of our environment; (2) to drum up support for our IP sisters and brothers of Oriental Mindoro facing the threat of mining and other ecological destructions, and to support the installation and occupation of Atis in their ancestral domain in Boracay Island; and (3) to promote biking for a healthy body and for a clean & sustainable environment,” anang NCIP.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply