PAF member patay sa rumagasang jeep

HINDI na naisalba pa ng mga doktor ang isang miyembro ng Philippine Air Force (PAF) matapos ma-hit and run ng isang pampasaherong jeep sa highway ng Barangay Sinunoc sa Zamboanga City.

Batay sa report ng pulisya, galing sa sabungan ang biktima na nakilalang si MSgt. Dennis Latosa Callos, residente ng Parang sa Zamboanga Del Norte nang maganap ang aksidente.

Pauwi na sana ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo nang mabangga ng isang pampasaherong jeep na minamaneho naman ni Hasim Salip Salippani,50-anyos, at residente ng Lower Calarian sa lungsod.

Matapos ang aksidente, inawan ng driver ang nakabulagtang biktima at ang minamaneho niyang jeep at kaagad itong tumakas.

Ilang mga residente sa lugar ang nagmagandang-loob at dinala sa pagamutan ang biktima subalit dahil sa grabeng mga sugat at bugbog na tinamo sa katawan, namatay rin ito.

Pinaghahanap pa rin hanggang sa ngayon ng pulisya ang tumakas na driver habang inihahanda na rin ang pagsampa ng kaso sa korte laban sa suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply