Pag-aaral ng oil price review committee, tinuligsa

TINULIGSA ng Kilusang Mayo Uno o KMU ang resulta ang pag-aaral ng Independent Oil Price Review Committee bilang isang pagtatakip sa katakawan ng mga kumpanya ng langis sa sobrang tubo.

Ayon sa grupo, hindi na sila nasorpresa sa konklusyon ng komite na walang sobrang pagtataas ng mga presyo ng produktong petrolyo at gumagana naman ng mahusay ang Oil Deregulation Law.

Pinagtatakpan lamang daw ng review committee ang katotohanang walang pakinabang ang mamamayan sa di-patas na pagpe-presyo ng mga produktong petrolyo.

Dagdag ng KMU na malinaw namang hindi angkop ang presyuhan sa bansa kung ikukumpara sa paggalaw ng mga presyo sa pandaigdigang merkado.

Kaugnay nito, suportado ng KMU ang planong pagpapaimbestiga ni Bayan Muna congressman Teddy Casino sa konklusyon ng review committee sa Kamara de Representante.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply