Pag-alis ng libel sa Cybercrime law, tinutulan ni Sotto

MARIING tinututulan ni Senator Tito Sotto na alisin ang bahagi ng ‘internet libel’ sa Cybercrime Prevention Law.

Ayon kay Sotto, kung ang mainstream media ay na re-regulate, dapat maging ang online media ay kasama dito.

Una nang lumabas ang mga ulat na si Sotto ang umano’y nagdagdag ng ‘internet libel’ provision nang ipasa ang batas.

Batay sa ilang grupo, dapat itigil ang pagpapatupad ng Cybercrime Prevention Act dahil malinaw na hadlang ito sa constitutional right to freedom of expression and free speech.

Hindi lang ang mga journalists at mga bloggers ang apektado ng batas na ito, kundi  maging  ang mga ordinaryong Pilipino na walang boses, ayon sa Kabataan Partylists.

Ayon sa grupo, binigyang kapangyarihang ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Law ang Department of Justice ” to block access to social media networks and websites, including Facebook, Twitter, and the popular meme-based website 9gag.”

Kaugnay nito, limang petisyon na ang isinampa sa Korte Suprema na kumukwestyon sa bagong batas at humihiling na ibasura lalong a\na ang internet libel.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply