Pag-asawahin ang pari at raket ng DENR sa uling

PALIBHASA hindi nakaranas magtaguyod ng pamilya, lalo na ang pagiging ama, kaya gayon na lamang ang pagkontra sa Reproductive Health Bill ng ilang pari.

Ito ang walang takot na ipinagsigawan ni Sen. Miriam Defensor Santiago.

Oo nga naman, kung nakaranas lang sana itong mga paring kumokontra sa RH Bill kung ano ang pakiramdam ng isang ama sa tuwing umiiyak sa gutom ang kanyang mga anak at wala man lang siyang maibigay kahit pambili ng kape at pandesal!

Kung alam lang nila ang damdamin ng isang ama sa tuwing makikita ang kanyang anak na punit-punit ang damit at nanlilimahid habang nakikipaglaro sa mga batang may magagandang kasuotan!

Kung alam lang nila ang damdaming ito, parekoy, disin sana’y hahayaan na lamang nila kung paano iplano ng bawat magulang ang kani-kanilang pamilya!

Sagot ng isang pari, nararamdaman naman namin iyan dahil sa araw-araw naming pakikipagsalamuha sa kanila.

Aha, ganun ba, father?

Pwes, alam mo rin ba ang damdamin ng isang asawa habang nakaunan sa bisig mo sa madaling araw ang iyong asawa at umiiyak dahil patong-patong na ang inyong utang?

Weeeh, salbahe ka, father ha, alin doon ang naramdaman mo na, ang babaeng umiiyak dahil sa inyong mga utang o ang babaeng nakaunan sa iyong bisig pag madaling-araw?

Hak, hak, hak!

-o0o-

MATAPOS ibunyag ng pahayagang ito ang raket ng DENR sa Goa, Camarines Sur kaugnay sa walang habas na pagbibigay ng permit para ligal na maibiyahe ang ipinagbabawal na mga uling papunta rito sa Maynila, agad tumigil ang Cenro Goa sa pag-i-issue ng permit.

Pero ang nasabing raket ay agad namang ipinagpatu-loy ng Cenro Naga, gayung sa Goa nagmumula ang mga iligal na uling! Simpleng prob-lema sa unang tingin, pero isa ito sa mga dahilan kaya nakakalbo ang kagubatan!

Abangan ang next issue!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking prog-ramang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply