Pag-endorso ng produkto, di mapipigil – Comelec

NAKATALI umano ang mga kamay ng Commission on Elections (Comelec) para pigilin ang pag-endorso sa mga potensiyal na kandidato para sa 2013 elections.

Aminado si Comelec Commissioner Rene Sarmiento na hindi nila maaring pigilan ang mga potensyal na kandidato sa 2013 na mag-endorso o commercial ng mga produkto.

Ipinaliwanag ni Sarmiento na maliban sa walang batas na maaring pipigil sa kanilang promotional activities ay una na rin sinabi ng Korte Suprema na walang ‘premature campaigning’ sa naturang isyu.

Hinikayat din ni Sarmiento si Atty. Romulo Macalintal na subukan ang teorya nitong gamitin ang kasong ‘unjust vexation’ para hindi maiproklama ang pulitikong endorser, sakaling manalo ito sa halalan

Ayon sa Comelec, isa sa tatamaan ng naturang ng naturang teorya si Congressman Manny Paquiao na maraming iniindorsong produkto sa telebisyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply