Pag-epal ni Trillanes sa Scarborough Shoal, nakatulong – PNoy

NAKATULONG si Senador Antonio Trillanes IV nang papelan nito ang pagiging backchannel negotiator ng Scarborough Shoal.

Sa isang panayam matapos pasinayaan ang refurbished Aquino-Diokno Memorial at ang bagong AFP Center para sa Human Rights Dialogue sa Fort Magsaysay sa Palayan City sa Nueva Ecija, binigyang diin ni Pangulong Benigno Aquino III na kahit papaano ay may naitulong ang pagiging ma-epal ng senador sa nabanggit na usapin.

“ Alright, ano ba ’yung successes. Umabot nang napakaraming barko ng China doon sa Scarborough Shoal—hindi ko na maalala ’yung exact number. Pero nag-umpisa kung maalala niyo ’yung del Pilar natin at dalawa nung kanilang maritime surveillance something e. Pero umabot nang napakarami. Siguro parang umabot ng 18 pwera pa ‘yung mga fishing boats nila na umabot yata ng 30, o so kumonti nang kumonti ‘yon. ‘Yon naman siguro pwede nating i-credit doon sa efforts rin at efforts ni Senator Trillanes at iba pang efforts, ani Pangulong Aquino.

“Hindi ko pwedeng ibigay sa inyo lahat ng detalye pero mukhang napakaliwanag na humupa naman nang maski papaano ‘yung tension diyan at nakatulong si Senator Trillanes,” ayon kay Aquino.

Samantala, busy lamang si Pangulong Aquino kaya’t hindi pa nito nakakausap si Senador Trillanes.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na hanggang ngayon ay nananatiling backchannel negotiator si Senador Trillanes kaya’t kailangan pa rin niyang kausapin ito.

“Well, as of now, yes, he is but, I will have to talk to him soon. I’m just loaded with so many things these past six weeks. Pero I have to talk to him,” aniya pa rin.

Ibinuking ni Pangulong Aquino na si Senador Trillanes ang kumontak sa kanya para tumayong backchannel negotiator sa isyu ng Scarborough Shoal.

Sa pagkaka-tanda ng Punong Ehekutibo ay kasalukuyang nasa China ang senador nang kontakin siya nito. Iyon, aniya, ang nagtulak sa kanya upang lapitan ito ng taga-Malakanyang at tanungin ang posibilidad na maging negosyador nga ito.

“So, in the absence of any other channels that were existing beforehand, at sa gusto nating maresolba na mapayapa itong sitwasyon sa Scarborough Shoal. Doon nag-umpisa po ‘yan,” ayon sa Chief Executive.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply