Pag-i-exhibit ng DOT sa mga alahas ni Imelda, inalmahan

INALMAHAN ni dating First Lady ngayo’y Congresswoman Imelda Marcos ang plano ng Department of Tourism (DOT) na i-exhibit ang kaniyang mga alahas.

Dahil dito, nagka-alta presyon ang dating unang ginang at sinabing ninakaw sa kaniya ang kaniyang mga alahas at nais niyang ibalik sa kaniya ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Iginiit ni Ginang Marcos na nabili na niya ang mga naturang alahas at hindi niya kinuha sa kaban ng bayan ang ipinambili sa mga ito.

Sinabi pa ng mambabatas na hindi sya nagnakaw para ibili lamang ng mga mamahaling alahas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply