Pag-imbestiga ni Robredo kay Puno di alam ni PNoy

WALANG basbas ni Pangulong Benigno Aquino III ang ulat na di iniimbestigahan mismo ni yumaong DILG Secretary Jesse Robredo si DILG Usec. Rico Puno bago pa namatay ang kalihim.

Ayon kay Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Secretary Ricky Carandang na karamihan sa mga iniimbestigahan ng yumaong Sec. Robredo ay personal na desisyon nito at pawang mga sensitibong kaso.

“What I can confirm is that before his death, Secretary (Jesse) Robredo was conducting a number of very sensitive investigations. But I will not comment on the specifics of what was being investigated or who. I think lalabas din ‘yan but, for the moment, I will not comment on these investigations because many of them are in a very sensitive stage,” ayon kay Sec. Carandang.

Hindi naman handang magkomento si Carandang sa isyung kaya agad na pina-secure ni Pangulong Aquino ang mga dokumento sa loob ng kwarto at tanggapan ni Robredo ay upang hindi makapagtangka si Puno na makuha ang mga ito.

“I’m not prepared to comment on that at this point,” ayon sa Kalihim.

Tikom pa rin ang bibig ni Sec. Carandang sa isyu na tinangka rin ni Puno na puntahan ang tanggapan ni Robredo para kunin ang mga dokumentong di umano’y may kinalaman sa kanya.

“As I said, there were many investigations being conducted by DILG at the time of Secretary Robredo’s death and I’m not in a position to comment on the specifics of any of those investigations,” ang pahayag ni Carandang.

Hindi pa rin mapiga si Sec. Carandang kung si Puno nga ang ginagawan ng malalimang imbestigasyon ni Robredo noong nabubuhay pa ang huli.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply