Carabuena papatawan ng 5-year driving ban

POSIBLENG umabot ng 5-year driving ban ang parusang kakaharapin ng motoristang si Robert Blair Carabuena na nanapak sa MMDA traffic enforcer na si Sonny Fabros noong nakaraang buwan.

Ayon kay Atty. Teofilo Guadiz, hepe ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR), ito ay kapag napatunayang nagkasala si Carabuena sa ikakasa nilang imbestigasyon.

Sinabi ni Atty. Guadiz, sila ang unang nag-subpoena kay Carabuena hinggil sa planong pagkansela ng driver’s license nito kaya ang LTO muna ang dapat na bigyan nito ng paliwanag.

Aniya, ang LTO ang nagbigay ng driver’s license kay Carabuena kaya sila ang dapat na magkansela nito.

Nilinaw ni Guadiz na kahit na humingi ng tawad si Carabuena sa publiko dahil sa nagawa kay Fabros, ay tuloy pa rin ang kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply