Pagawaan ng pekeng pera, sinalakay sa Rizal

SINALAKAY ng mga pulis ang isang gusali na hinihinalang pagawaan ng mga pekeng pera sa Barangay Uno, San Mateo, Rizal.

Nabatid na sasampahan ng kaso na counterfeiting of Philippine peso bill ang may-ari ng naturang gusali.

Narekober sa naturang gusali ang iba’t ibang kagamitan sa paggawa ng huwad na peso bill tulad ng isang cutting platter, heat press machine, printer, scanner, ID laminator, iron plate laminator, memory card, card reader, isang digital camera, charger na may apat na battery, isang ID puncher, dalawang piraso ng transfer paper at iba pa.

Ayon naman sa may-ari ng gusali, ginagamit ang mga naturang kagamitan sa paggawa ng invitation, ID, t- shirt at iba pa.

Nagsagawa ng operasyon ang mga pulis makaraang mabiktima ang ilang bahay kalakal sa San Mateo partikular na sa mga perahan ng naturang bayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply