Pagawaan ng pekeng sigarilyo sa Ilocos Sur, sinalakay ng NBI, PNP

SINALAKAY ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) mula Maynila at mga tauhan ng pulisya sa Ilocos Sur ang isang pagawaan ng pekeng sigarilyo.

Nabatid na libu-libong pakete ng sigarilyong Peter Stuyvesant at ginagamit na makina sa paggawa ng sigarilyo ang nasamsam sa isang factory na matatagpuan sa Brgy.Ora West, Bantay, Ilocos Sur.

Magsasagawa naman ang customs officer ng syudad ng kaukulang aksyon hinggil sa nasabing pagawaan ng pekeng sigarilyo.

Inaalam naman ng awtoridad kung sino ang may-ari ng nasabing factory habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply