Pagbagsak ng eroplano ni Robredo, aksidente

INANUNSYO ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na walang foul play sa pagbagsak ng eroplanong sinakyan ng namayapang si Secretary Jesse Robredo at dalawang piloto nitong nakaraang Agosto.

“It is established that there is no foul play. It is an accident. Maybe it was an accident waiting to happen,” pahayag ni CAAP deputy director general Capt. John Andrews sa isang oversight committee sa CAAP sa Pasay City kaninang umaga .

Ipinalabas ni Andrews ang pahayag matapos hingin ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. sa kanya ang inisyal na resulta ng kanilang imbestigasyon sa plane crash sa Masbate na ikinamatay ni Robredo nitong August 18.

Pero nang gisahin hinggil sa imbestigasyon, hiniling ni Andrews ang isa pang executive session para talakayin ang iba’t ibang dahilan sa likod ng pagbagsak ng Seneca plane.

Sa kautusan ni Pangulong Benigno Aquino III, si Robredo ay naatasang imbestigahan ang overpriced ng armed deal bago ang kanyang sinapit na kamatayan.

Naniniwala naman si Senate public services committee chair Revilla na walang foul play sa aksidente pero hindi naman inaalis na magkaroon ng ’oversight’.

“Confident ako, siguradong-sigurado tayo at siniguro ng CAAP there is no foul play para wala nang turuan sa aspeto na ‘yan. Aksidente siya talaga. Walang may gusto nito,” pahayag  pa ni Revilla.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply