Pagbasura sa murder at frustrated murder case sa mag-asawang Gail Bautista at Hiro Furuyama iaapela

IAAPELA sa Department of Justice (DoJ) ang kampo ni Janelle Manahan hinggil sa inilabas na resolusyon ng Parañaque Prosecutor’s Office na nagbasura sa kasong murder at frustrated murder sa mag-asawang Gail Bautista at Hiro Furuyama na isinasangkot sa pagpatay kay Ramgen Bautista Revilla at ikinasugat ng kanyang kasintahan sa Parañaque City.

Sa pahayag ng isa sa mga abogado ni Manahan na si Atty. Argee Guevarra, hinihintay pa nila ang opisyal na kopya ng resolusyon mula sa piskalya dahil wala pa silang natatanggap mula nang magpalabas ng resolusyon si Paranaque State Prosecutor Lamberto Fabros.

Paniwala ni Guevarra, malakas ang ebidensiyang magdidiin sa mag-asawang Furuyama dahil bukod sa pahayag ni Janelle na sinuportahan pa ng dalawang akusadong sina Francis Tolisora at Michael Nartea na nauna ng umaming na napag-utusan gawin ang pagpatay kay Ramgen.

Matatandaang ibinasura ng korte ang kasong murder at frustrated murder laban kay Gail at Hiro na isinampa ni Janelle matapos ang ginawang pagpatay sa kanyang nobyo at ikinasugat nito na naganap sa BF Homes nang nasabing lungsod noong  Oktubre 28, 2011.

Sa anim na pahinang resolusyon ni State Prosecutor Lamberto Fabros ng Paranaque Prosecutor’s Office, wala umanong sapat na ebidensiya na magtuturo sa mag-asawang Furuyama upang isangkot sila sa kasong pagpatay kay Ramgen at ikinasugat ni Manahan.

Nakasaad pa sa resolusyon na sa opinyon ng tagausig, wala silang makitang dahilan upang isangkot sa nangyaring krimen ang mag-asawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply