Pagbibitiw ni Puno, tama lang – De Lima

TAMA lamang umano ang ginawang pagbibitiw sa tungkulin ni dating DILG Undersecretary Rico Puno.

Ito ang naging reaksyon ni Justice Secretary Leila de Lima sa ginawang pagbibitiw ni Puno kasunod ng mga kontrobersyal na kinasasangkutan nito sa DILG.

Sa kabila nito, pinuri naman ng Justice Secretary si Puno sa naging hakbang nito para pagbigyan ang bagong talagang DILG Secretary Mar Roxas.

“Well that is his prerogative. Resignation is always a personal decision and I think tama lang ‘yon especially that there is a new DILG,” ayon kay de Lima.

Sinabi pa ni de Lima na sentro na ng atensyon si Puno kaya tama at naaayon lamang ang kanyang ginawa at sinunod nito ang personal na desisyon.

Perhaps ito ngang mga agam-agam na ito, mga ispekulasyon na ‘to… then he became a center of all this, natutok lahat sa kanya so siguro tama lang ‘yon that is his personal decision. Let’s not preempt the prerogative of the press, also the decision of Puno but given all this siguro mahihirapan,” dagdag pa De Lima.

Si Puno ay isinasangkot sa umano’y tangka nitong pagpasok sa condominium ni dating DILG Secretary Jesse Robredo at sinasabing may mga mahahalagang dokumento na balak umano sana nitong i-secure.

Nadawit din si Puno sa umanoy firearms deal ng PNP.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply